Ph14M Lotto Winner Tila Nasumpa!


Sino ba ang ayaw manalo ng malaking pera sa lotto? Talagang masasabi na swerte ka kung mapanalunan mo ang jackpot sa lotto. Pero kay Dionie Reyes ay hindi ganun ang nangyari. Noong April 2008 ay nanalo sya ng Ph14 Milyong piso sa lotto. 
Dito ay nagbago kaagad ang kanyang pamumuhay, at talagang namuhay syang mayaman. Agad syang bumili ng pangarap nyang bahay at sasakyan, nagbalato sya sa mga kamag-anak at kaibigan na umabot ng Ph 2 Milyong piso. Pero dahil sa bisyo ay naubos nya kaagad ang napalunan sa loob ng tatlong buwan, dito ay nagsugal sya, nag-inom, nambabae at tumikim pa ng pinagbabawal na gamot.
Hindi na nya na-control ang kanyang sarili sa pag-gastos ng pera nya hanggang sa maubos na ang napalunan at na-operahan din sya sa puso at nagkautang pa sya ng mahigit sa Ph300,000. Tila sya  ay nasumpa sa pagkapanalo nya sa lotto na imbes na mapalago pa nya ito ay lalo pa syang naghirap. Hindi talaga basehan ang laki ng perang natatanggap para umasenso sa buhay kundi ang pagiging masinop sa pera na kaya mo itong mapalago dahil marunong kang mag-ipon at mag-invest. 

Kung ikaw ay mananalo sa lotto, anong gagawin at bibilhin mo? O mas mainam pa na wag tumaya sa lotto dahil pwede ka umasenso sa paghahanap buhay na iyong pinaghirapan dahil nag-ipon at nag-invest ka.




Reference: https://www.youtube.com/watch?v=nhH8zJssOB8

Comments